Thursday, November 25, 2010

Tsokolate para sa pusong nagdaramdam





Tuwing nalulungkot ang isang tao naghahanap siya ng pagkain magbibigay ginhawa sa kanya.

 Ang bawat tao ay may roong “comfort food” pagkaining magpapawi ng lungkot at sabawat kagat ay panandalian mo makakalimutan ang yong mga problema at hinnanakit sa buhay. Tsokolate ang pagkain nagtatagal ng aking lungkot at pagod.

Ang tsokolate tulad ng Hershey, kisses, at iba pa ay gawa sa cocoa beans, milk and sugar. May iba’t ibang uri ng tsokolate mayroong mga tsokolateng may halong mani at prutas, mayroong mapapakla, may iba naman na may alak at iba ay maraming gatas.

Maraming umiiwas sa tsokolate kahit masarap ito dahil naniniwala sila na hindi ito nakakabuti sa katawan ngunit hindi nila alam ang mabubuting epekto nito sa katawan. Ang tsokolate ay mabuti para sa puso at sa pagdaloy ng dugo sa katawan.

Ang tsokolate ay mabuti na sa kalusugan, nagpapawi pa ng kalungkutan kaya bakit ka pa iiwas sa isang bagay na gusto mo kung nakakabuti naman ito sayo.